Last Thursday, I tried to go home late, galing ako sa bahay namin sa Ugong, I thought maihahatid ako nila mama eh nasa Laguna pala. So hindi na rin ako nagpasundo kay Irwin galing sa amin. Medyo may halong takot at kaba ako, ngayon lang ako dadaan ng palengke, baka kasi ako ma holdup.
Grabe nagulat ako, pagdating ko sa palengke, tahimik, ang linis pa, maliwanag, hindi nakakatakot.
Tuyo na ang mga daan, wala na kasi halos na tao eh, may mga nagtitinda pa rin. pero maayos.
Akala ko mag special trip ako, buti na lang at may nakasabay ako. Ang mahal pa naman ng pamasahe ngayon.
Palengke Ulit
Looks like palengke will be one of tha places I have to be familiar with. I remember, ako lang pala ang sinsama ni mama na mamalengke, hindi pala sumasama ang iba kong mga kapatid, kasi alam nyo ba ang bargaining skills ni mama, sobrang tawad sa mga nagtitinda, as in, tapos lilibot at maghahanap kung saan may discount at tawad kahit na nasa kabilang parte pa yun ng palengke.
Ako naman last Sunday, I went there, shiyet para akong nakawala sa preso, I didn't know a trip to palengke would give me a thrill similar to orgasm. Ang ganda ng comparison ko noh, euphoria, para akong nakawala sa bahay. Excited ako, ewan ko kung bakit, ilang araw din akong nakakulong sa bahay, bahay opis lang lagi, haay sa wakas talaga nakalabas na ako. Pero golay! Ang dami kong binili, ang bigat, bumili ako ng rambutan, lansones, itlog, buko juice, manok at porkchop. Grabe, kaya siguro ako hindi lumaki ng husto kasi kahit nung bata ako nagbubuhat ako ng pinamili ng mama ko, hanggang sa mag asawa ako ako pa rin ang nagbubuhat, kaya minsan mas type ko ang mamili na lang sa supermarket, may sasakyan pa at si Irwin ang magbubuhat.
Tuesday, August 16, 2005
Tuesday, August 09, 2005
Sabaw ng palengke
Grabe, umuulan na naman ngayon, hindi ko suot ang aking favorite na slippers, kasi wala namang pink sa damit ko, (pero kahapon suot ko siya kahit naka black and white ako). Ayan tuloy nabasa ang laylayan ng slacks ko, basa ng katas ng palengke.
Everyday kasi I have to pass by the public market, and today is special kasi umuulan at maputik sa palengke. At least medyo nalinis na ang ibang parte ng palengke, konti lang ang kumapit sa laylayan ng pants ko.
Pero siyempre ang dumi pa rin nun. Kaya pagdating ko dito, mega putol ako ng pants ko, so what kung hindi pantay ang putol, at least wala na yung basa, at nag dumi pala ng paa ko, mamaya ko na lang huhugasan.

Monday, August 08, 2005
Happy na Rin
Sometimes, feeling ko parang praning ako na laging binabantayan ang mga kilos ko, siguro ganun din ang feeling ng iba na nakatira sa in-laws nila. Siguro, kelangan lang ng konting kapalan ng mukha meaning you have to be not too sensitive.
Kasi pag naging sensitive ka, konting hindi lang pinansin mag-iisip ka na ng kung anu-ano na wala naman pala.
Kasi pag naging sensitive ka, konting hindi lang pinansin mag-iisip ka na ng kung anu-ano na wala naman pala.
Monday, August 01, 2005
Market Market sa Pasig
Namamalengke ako bago ako pumasok sa office:
Well, hindi naman ako namamalengke kundi sa palengke ako dumadaan.
Ang daming tao, ang daming syip, I always pass by the big garbage truck,
iniisip baka isang araw sumala ang pagtransfer nila ng basura matapunan ako.
Ilang beses na rin akong muntikan na mahagip ng mga dyip kasi nagmamadaling
lumiko. Kung iisipin mo, ano ang ginagawa ko, isang magandang pustura na babae
na dumadaan sa palengke? Eh kasi ang mahal ng pamasahe, dun lang ang mura,
kaya kahit na maglakad ako sa palengke araw araw bago pumasok ay okey lang.
Gustung-gusto ko na nadadaanan yung isang aso, na payat at pangit ang balat,
siguro may skin allergy yung aso. Nais ko nga siyang dalhan ng dogfood eh, kawawa
naman. Nakahiga lang siya, nakapikit, tila hindi niya pansin ang mabaho at magulong lugar na palengke. Naisip ko na dalhin siya sa bahay pero isa siyang pakawalang aso.
Matanda na siguro siya, kasi palagi siyang inaantok at hindi na siya masigla, natutuwa ako pag nakikita ko siya, kasi parang kahit na ganun ang paligid niya,
mukha pa rin siyang kuntento.
Well, sabi nga ni God, kung ang mga sparrow sa bukid ay may kinakain at ang mga fox ay may masisilungan, ang nga tao pa kaya? Eh yung asong yun buhay pa hanggang ngayon, hindi ko alam kung ano ang kinakain pero buhay pa sya.
Well, that is something to thank God for, buhay pa tayo. Bow.

Subscribe to:
Posts (Atom)