Thursday, April 14, 2022

Bakit May Mga Tao na Ayaw Kay Bong Bong Marcos?

Example HTML page

 

May mga Pilipino na sobrang taas ang tingin sa value ng education, kaya nga ganyan may achievement wall, kaya ka laging pinag-aaral ng mabuti ng mga magulang mo kasi sa lipunan natin mataas ang tingin sa mga naka-tapos at nakapag-aral at kabaliktaran naman sa mga hindi... 

Source of pride natin iyang mga Pinoy na kahit sa edukasyon man may maipagmamalaki tayo... Kaya ganyan na lang natin tignan ang mga hindi nakatapos, o hindi nakapag-aral... may mga tao na mababa ang tingin sa kanila... 

Nang-gagaling kasi sa society natin ang pagmamaliit sa kapwa, kaya sila minamaliit na rin ang tingin nila sa kanilang mga sarili... maari.. kung nag-UTS ka - looking glass self ito ni Cooley.. 

Because we are too focused on that kind of education, of having a diploma, of getting good grades, or graduating with honors that we forgot the person.. the individual... we also forgot the importance of education, real learning, yung natuto ka, kasi nagbago ang ugali mo, bukod sa may nalaman ka, na-apply mo kung ano ang natutunan mo... 

Strip a person of his educational attainment, strip a person of his awards, strip him of connections, strip him of everything else, tignan mo kung ano ang natira... kung masaya ka sa natira kahit maraming nawala sa iyo,, masuwerte ka na nilalang..  

Kung napanood mo ang Squid Game, (ako hindi ko natapos) kapag naglaro ka ng Red light-green light, sa tingin ko hindi naman importante doon ang educational attainment mo o kaya award mo,  o kaya connection mo, diskarte dapat at yung nakakasunod sa patakaran ng game. 

Hindi ko na nasagot kung ano ang kinalaman ni Bong-bong dito..

Baka kasi na-violate ni Bong-Bong yung value ng education ng mga Pinoy, kung sa mga Pinoy super duper important na naka-tapos ka, may diploma ka at nasa magandang eskuwelahan ka pa at siya minamaliit dahil diploma lang daw. 

Parang sa mga Pinoy walang karapatan na umasenso ang isang tao na hindi nakapag-aral parang exclusive lang ang success sa mga taong may pinag-aralan, inulit ko lang ang sinabi ko.

So ganun din, parang walang karapatan si Bong-bong na tumakbo bilang Presidente kasi nga diploma lang daw ang nakuha niya sa Oxford University, at hindi raw siya nagtrabaho... 

Kaya ganun na lang siya kung api-apihin.. Parang yung iba... na inaapi... 

May mga Pilipino na mababa ng tingin sa mga katulong, sa mga construction worker, sa iba pang trabaho na sa tingin natin hindi kelangan ng diploma, janitor, waitress, kunduktor, driver, at kung anu-ano pa. Kaya kung ganun ang tingin natin sa kanila lumalabas din yung iniisip natin sa kanila sa ating mga ugali, if we treat them differently. 






No comments: