Ang aga aga nag sesenti ako. It's just that I feel so blessed, why did I ever never thought about it before? Here I am happily married to a wonderful guy, the best guy for me. Just his love is enough to make me realize that I am a very lucky girl to have him. Mega reklamo pa ako sa trabaho, and he was ther for me, always never intruding, always there to listen and to support me.
Once in a while, you have to pause and think of the things that are important to you. I retired from my work, and I have a lot of time to spend, spend it with him, his family, my family. I feel so happy. Kahit wala akong trabaho. Hindi ko naisip na kailangan ko ng pera, yeah right, I am earning a lot compared to my officemates and my position was full of responsibilities and I choose to say goodbye to it.
Ngayon lang, na na relax na ako at narealize ko kung gaano ang pasensiya na ibinigay sa akin ng asawa ko, ngayon na wala akong ginagawa, nalaman ko na mahal na mahal niya talaga ako. Ngayon, kahit noon pa, hindi niya nakakalimutan na sabihin sa akin na " I love you" bago siya umalis habang ako'y kunyaring natutulog at inaabangan ang kanyang goodbye kiss.
Nawalan ako ng panahon sa kanya, sarili ko lang ang naisip ko, pero nandyan pa rin siya, tulad noon, tulad dati, palagi siyang nandyan.
Umaga na, naka alis na siya, ni hindi ko man lang siya nangitian. naririnig ko ang mga huni ng ibon, at ang maliwanag na langit, ang sikat ng araw sa may bintana namin. Hindi mo ba sasabihin na suwerte ako? Wala akong trabaho, pero may isang tao na nagmamahal sa akin, oo hindi nga ako kagandahan, oo hindi rin ako sexy at hindi artistahin, pero may nagmamahal sa akin.
At dahil dyan nararamdaman ko na mahal din ako ng Diyos, na noon pa man, pinadala niya sa akin si Irwin para kung hindi man ako mabantayan ng Amang nasa Langit meron naman siyang katuwang sa pagsubaybay sa akin. Naniniwala ako na mahal talaga ako ng Diyos dahil kahit may masama akong ugali, hindi pa rin tumitigil sa pagunawa ang mga mhal ko sa buhay.
Subukan nyong huminto, tumingin sa bintana, ngumite, pakingan ang huni ng ibon, gumising ng umaga, magdasal at magpasalamat, at mahalin nang lubos ang mga tao sa paligid mo. Yun lang naman eh Pag Ibig, ay nakatira nga pala ako sa Pag Ibig, Pag Ibig Homes. =)
1 comment:
hahaha.enjoy naman ako sa post mo. though nag-resign ka na, at least may mga bagay kang na-realize. me too, i relaized how much ariel loves me. we've been to a great trial last month and we are still standing strong. nyway, miss din kita. also, ni-TAG kita. sagot ka naman po if ur not bc.hehehe.
Post a Comment