Tuesday, September 06, 2005

Sana magka baby na kami

Matanda na ako, kahit mukha akong bata. Kaya dapat lang daw na mag baby na kami. Pero paano nga ba? Nasa edad ba yun? Talaga bang pag matanda na, mahihirapan nang magka anak? Eh bakit yung iba, parang ang dali nilang magka anak? Kung sino talaga ang may gusto, yun ang hindi nagkakaroon, at kung sino naman ang marami nang anak sila pa nadadagdagan ng anak.
Parang kahit saan ako lumingon palaging may buntis, parang pinamumukha sa akin na ako rin dapat magbuntis na. Para namang hindi kami nag try, siguro dapat mag leave muna ako para walang stress. Haay, minsan kung iisipin mo din ang gastos parang ayaw mo nang magka anak, pero masarap ang may anak diba? At dapat hindi mo iisipin ang gastos?

3 comments:

Aggie said...

Hi Aggie San :)
Alam mo, I think babies are given at the right time by the Big Man. Medyo unfair kasi kung sino ang may gusto sila yung nahihirapan magbuntis at ung ayaw pa, sila ung nadadali (tulad ko! mahwhwhwa!) pero darating din yan. Definitely, pressure adds up on this. Kaya relax ka lang, baka di bumaba yung itlog mula sa obaryo mo :O j/k

Ella Go said...

hi aggie...nid some patience. darating din yan. just need to pray hard or maybe He has His reasons. SMile GIRL...

Ella Go said...

miss na kita..musta na ?