Sunday, October 21, 2007

Sale! Sale! Beware

Hay sa mga taong mahilig sa sale tulad ko, sabi nga ni Mec, mabuti at wala ako sa Glorietta nung Friday. Kawawa naman yung mga injured at family ng namatayan. I overheard sa kabilang table yesterday when we were eating sa St. Francis Square, na yung tatay ng classmate niya is kasama dun sa namatay because nabagsakan ng elevator, or escalator. Grabe what a way to die.

So nasa Mega nga kami kagabi, I had to return a shirt bought by SIL na malaki ang size. Hindi ganun karami ang mga tao, baka natakot. Hindi rin gaanong matrapik considering na sale. Wala naman akong nabili, last Friday, ang nabili lang namin is the Van Heusen polo ni Irwin, bumili na naman ng 3 shirts, so ang dami na niyang isusuot. This time naman its plain and not striped.

I only bought sa Beauty Bar yung Burt Bees Lip Balm and some sale na oil control paper. Mura lang siya nasa 22 pesos yung oil control kasi sale pero yung lip balm is not on sale.

No comments: